Wednesday, April 23, 2014

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM REVIEWERS

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM REVIEWERS

Mayroong dalawang uri ng electric meter o kuntador na mas-kilala ng karamihan, ito ay ang digital at analog electric meter.

Digital Electric Meter
Sa kasalukuyan, marami na rin ang gumagamit ng digital na kuntador. Dahil ito ay digital, ay mas madaling basahin at kalkulahin ang aktwal na nakukunsumong kuryente.


Ang mga pinakamalalaking numerong makikita sa LED display ng digital na kuntador ay ang kasalukuyang reading ng inyong nakunsumong kuryente. Karaniwan sa mga digital na kuntador ay mayroong feature na ipinapakita ang aktwal na nakukunsumong kuryente kung saan ito naka-kabit. Malaking tulong ang feature na ito upang ating malaman kung anu-ano sa ating mga de-kuryenteng appliances ang kumukunsumo ng malaki. Ito ang katumbas ng disk sa analog na kuntador o yung mapapansing umiikot ng mabagal o mabilis depende sa mga nakabukas na appliances.

Analog Electric Meter
Ang nananatiling may pinakamaraming gumagamit pa rin sa kasalukuyan.


Ang mga dials (parang maliliit na orasan) ang mga nagre-record ng nakunsumong kuryente (kwh). Ang bawat dials ay may nirirepresentang place values. Mula sa kanan, ang unang dial ay ones, ang sumunod ay tens, susundan ng hundreds, at thousands ang nasa pinaka-kaliwa. Subukan nating basahin ang sample sa itaas na analog na kuntador:

Dial Pointer x Place Value = Reading
2 x 1000 = 2000
9 x 100 = 900
8 x 10 = 80
1 x 1 = 1
Total = 2981 kwh
http://www.deped-als.com/2012/06/problem-solving-meralco.html